Tag Archives: tiwala

Nay,Tiwala lang kailangan ko.

Lumaki ako na close tayo.

Inu-open ko problema ko sayo.

Nang magkahonor, ako ay masaya.

Pag-uwi, magandang balita ang dala.

Ramdam ay galak, makita kang masaya.

Akoy lalong nagsikap.

Dahil sa mataas na pangarap.

At ikaw ang unang makakatanggap.

Doble ang pagsusunog ng kilay.

Paaralan ay malayo man sa bahay.

Ngunit, dumating ang panahon.

Nakakauwi na ng hapon. 

Hindi dahil para makagala.

Kun’di para sa marka ay may mapala.

Ikay nagsimulang maghinala.

Pinagkakamalang gumagala.

O ‘di kaya’y kasama ang shota.

Inay naman! Ginagawa ko ang lahat.

Kahit na masunog ang aking balat.

Para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Na para rin sa iyong kapakanan. 

Mali ba ang manghingi ng tiwala?

Marami ba ang mawawala?

Mahal ko kayo, kaya naman…
Tiwala lang ang kailangan ko.